Manila, Philippines – Isa nang ganap na bagyo ang binabantayang Low Pressure Area ng PAGASA.
Ang Tropical Depression (TD) ‘Emong’ ay huling namataan sa layong 765 kilometers east ng Tuguegarao City, Cagayan dakong alas 4:00 kaninang madaling araw.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 47 kilometers per hour at pagbugsong 58 kph.
Kumikilos si TD Emong patungong hilangang kanluran sa bilis na 30 kph.
Dahil dito, makararanang ng mahina hanggang katamtamang lakas ng pag-ulan ang Western Visayas, Negros Island, CARAGA, Davao at SOCCSKSARGEN regions.
Isolated rain showers at thunderstorm naman ang iiral sa Bicol region, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon at Northern Samar habang apektado naman ng habagat ang Metro Manila.
Sa Martes o Miyerkules, inaasahang gaganda na ang panahon dahil na rin sa mabilis na pagkilos ng bagyo.
Sunrise: 5:31AM
Sunset: 6:29PM