Weather Update!

Manila, Philippines – Patuloy na umiiral ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nasa silangang bahagi ng Mindanao.

Asahan ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa CARAGA, Davao, Northern Mindanao at Zamboanga Peninsula.

Magiging maulap ang panahon naman sa Visayas na may posibilidad din ng pag-ulan.


Maganda ang panahon sa Luzon maging sa Metro Manila na inaasahan ang pagbuhos ng ulan pagdating ng hapon hanggang sa gabi.

Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 26 hanggang 33 degrees Celsius.

Walang gale warning na nakataas sa anumang baybayin sa bansa.

Sunrise: 5:32 ng umaga
Sunset: 6:29 ng gabi

Facebook Comments