Manila, Philippines – Patuloy na nakakaapekto ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa katimugang Luzon, Visayas at Mindanao.
Maulap na kalangitan ang asahan sa CARAGA, hilagang Mindanao at SOCCSKSARGEN.
Mahinang pag-ulan ang mararanasan sa Iloilo, Negros Island, Cebu, Bohol maging sa Samar at Leyte.
Magkakaroon ng pag-ulan sa Palawan at Mindoro habang maaliwalas na panahon sa nalalabing bahagi ng Luzon.
Ang temperatura ay maglalaro mula 26 hanggang 33 degrees Celsius.
*Sunrise: 5:33 ng umaga*
*Sunset: 6:29 ng gabi*
*tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558*
Facebook Comments