Manila, Philippines – Umiiral pa rin ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Asahan ang mahihinang pag-ulan sa Mindanao lalo sa Zamboanga Peninsula, CARAGA at Davao region.
May mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman sa Visayas lalo na sa Dumaguete, Bohol, Samar at Leyte.
Sa Luzon, magiging maulan sa MIMAROPA, Aurora at Quezon province.
Maaliwalas naman ang panahon sa Metro Manila at sa natitirang bahagi ng Luzon.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila maglalaro mula 25 hanggang 33 degrees Celsius.
Ligtas pa ring makakalaot ang mga mangingisda dahil walang gale warning sa anumang baybayin.
*Sunrise: 5:35 ng umaga*
*Sunset: 6:28 ng gabi*
Facebook Comments