Weather Update

Manila, Philippines – Magiging maulan pa rin ang malaking bahagi ng bansa ngayong araw.

Ito’y dahil sa pag-iral ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at southwest monsoon o habagat.

May mahihinang pag-ulan sa Southern Luzon partikular sa CALABARZON, MIMAROPA, Bicol region kasama ang Metro Manila.


Makakaranas naman ng maulap na kalangitan na may paminsan-minsang pag-ulan sa halos buong Visayas.

Malakasa naman ang pag-ulan sa Mindanao lalo na sa zamboanga Peninsula at Davao region.

Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 26 hanggang 31 degrees Celsius.

Sunrise: 5:36 ng umaga
Sunset: 6:28 ng gabi

Facebook Comments