Weather Update

Manila, Philippines – Binabantayan ngayon ng PAGASA ang tatlong bagyo at dalawang Low Pressure Area sa loob at labas ng bansa.

Ayon sa PAGASA – mahigpit na mino-monitor ang mga bagyong “Noru” at “Kulay” na parehong nasa hilagang silangan ng Pilipinas at ang bagyong “Sonca” sa kanluran.

Kahit maliit ang tyansa na pumasok sa Phil. Area of Responsibility, sinabi ng weather bureau na pinalakas ng mga ito ang habagat na nasa western section ng Luzon at Visayas.


Ang lpa naman na nasa loob ng par ay namataan sa 440 km east northeast ng Guiuan, Eastern Samar.

Habang ang isang lpa na nakita sa hilagang silangan ay nasa labas na ng bansa.

Facebook Comments