Manila, Philippines – Bahagyang bumagal ang bagyong Gorio habang napanatili nito ang lakas.
Huli itong nakita sa 615 kilometers silangan ng Tuguegarao City at inaasahang kikilos ito north north-west sa bilis ng 9kph.
Sa pagtaya ng PAGASA, hindi na ito tatama sa lupa o mag-lalandfall at wala ring direktang epekto sa bansa.
Pinapalakas lamang nito ang hanging habagat na nakakaapekto ngayon sa Luzon at Western Visayas.
Dahil ditto, asahan na ang mga pag-ulan na maaring magdala ng pagbaha, pagguho ng lupa sa Metro Manila, rehiyon ng ilocos, Cordillera, Central Luzon, CALABARZON at lalawigan ng Mindoro at Palawan.
Sa natitirang bahagi ng Cagayan Valley, Bicol, Marinduque at Romblon asahan ang isolated rain shower gayundin ang buong Visayas.
Habang sa Mindanao, asahan na ang fair weather.
Inaasahan naman na lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo pagdating ng linggo at sunod na tutumbukin nito ang Taiwan.