Manila, Philippines – Kahit nasa loob ng Philippine Area of Responsibility, tiniyak ng PAGASA na hindi direktang magdudulot ng epekto ang isang panibagong Low Pressure Area.
Namataan ang LPA sa layong 275 kilometers west northwest ng Dagupan City, Pangasinan at maliit ang tsansa na magiging ganap na bagyo.
Ngayong araw, makararanas ng magandang panahon ang bansa dahil sa high pressure area na umiiral sa Luzon at Visayas, at easterlies naman sa Mindanao.
Maulap na papawirin na may isolated rainshowers ang iiral sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.
Nation
Facebook Comments