Weather Update!

Kahit wala ng bagyo sa loob Philippine Area of Responsibility (PAR) magdadala pa rin ng pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon ang southwest monsoon o habagat.

Asahan ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Ilocos region, Cordillera maging sa Zambales.

Maaliwalas na ang panahon dito sa Metro Manila may tyansa ng pag-ulan na hindi magtatagal.


Maganda rin ang panahon sa halos buong visayas habang may isolated thunderstorms sa buong Mindanao.

Pinagbabawalan munang maglayag ang mga mangingisda at mga maliliit na sasakyang pandagat dahil nakataas ang gale warning sa baybayin ng Batanes, Calayan, Babuyan at hilagang bahagi ng Cagayan at Ilocos Norte.

Agwat ng temperatura sa Metro Manila 26 hanggang 32 degrees Celsius.

Sunrise: 5:39 ng umaga
Sunset: 6:25 ng gabi

Facebook Comments