Naranasan ngayong umaga sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya ang biglang pagbuhos ng ulan.
Ito’y dahil sa pag-iral ng southwest monsoon o habagat.
Sa Metro Manila, mayroong mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan.
Uulanin din maging sa Ilocos, Cordillera, Cagayan Valley at sa Bicol Region.
Apektado rin ng habagat ang buong Visayas lalo na sa kanluran at gitnang bahagi.
May isolated thunderstorm sa Mindanao partikular sa Zamboaga Peninsula at CARAGA Region.
Sa kabila ng masamang panahon, walang nakataas na gale warning sa alinmang baybayin sa bansa.
Agwat ng temperatura sa mula 26 hanggang 31 degrees Celsius.
*Sunrise: 5:39 ng umaga*
*Sunset: 6:25 ng gabi*
Facebook Comments