Weather Update!

Posibleng magpapatuloy pa hanggang bukas ang pag-ulang nararanasan ng Luzon at Visayas dahil sa southwest monsoon o habagat.

Pinalalakas ang habagat ng isang bagyong ‘Noru’ na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Asahan pa rin ang maghapong ulan sa Metro Manila, CALABARZON at MIMAROPA.


May thunderstorms naman sa Cagayan, Isabela, Quirino, Aurora, Bulacan at Bicol Region.

Mataas ang tyansa ng ulan sa kanlurang bahagi ng Visayas lalo na sa Panay at Negros Island.

Sa Mindanao, uulanin din ang ARMM, SOCCSKSARGEN, Zamboanga Peninsula at Sulu Archipelago.

Samantala, nagpalabas naman ang PAGASA ng thunderstorm advisory sa Bulacan, Cavite at Rizal.

Maging ang Metro Manila ay mararanasan ang pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat ngayong umaga.

Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 26 hanggang 30 degrees Celsius.

*Sunrise: 5:40 ng umaga*
*Sunset: 6:24 ng gabi*

Facebook Comments