Weather Update!

Asahan na ang maaliwalas na panahon sa bansa, lalo na’t pa-pahina na ang hanging habagat.

Ilang araw din inulan ang malaking bahagi ng Luzon dahil sa paglakas ng habagat makaraang hatakin ito ng bagyong noru na nasa labas ng bansa.

Ngayong araw, may mga pag-ulan pa rin sa bahagi ng MIMAROPA, Bicol Region, CALABARZON at Central Luzon.


Sa Visayas at Mindanao, magiging maaliwalas naman ang panahon pero pagdating ng hapon ay makakaranas ng mga pag-ulan.

Facebook Comments