Weather Update!

*Magiging maulan pa rin ngayong weekend!*
Pero magiging mahina na ang epekto ng habagat sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas dahil humina ang hatak ng bagyong ‘Noru’ na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Localize thunderstorms na lamang ang makakaapekto sa Zambales, Bataan gayundin sa MIMAROPA at CALABARZON.

Maaliwalas na sa Metro Manila pero asahan ang pag-ulan sa gabi hanggang madaling araw.


Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Visayas lalo na sa Panay at Negros Island.

Isolated thunderstorms ang asahan sa Mindanao pagdating sa hapon o gabi.

Maaring pumalaot ang mga malilit na sasakyang pandagat pero ibayong-ingat pa rin sa kailangan.

Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 26 hanggang 29 degrees Celsius.

*Sunrse: 5:40 ng umaga*
*Sunset: 6:23 ng gabi*

Facebook Comments