Manila, Philippines – Patuloy na maaapektuhan ngayong araw ng Southwest Monsoon at Low-Pressure Area (LPA) ang malaking bahagi ng bansa.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 525 kilometers east ng Hinatuan, Surigao Del Sur.
Mararamdaman ang maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog partikular na sa rehiyon ng Ilocos, kanlurang Kabisayaan, Zamboanga Peninsula at sa mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Mindoro at Palawan.
Habang asahan naman sa Kamaynilaan at sa nalalabing bahagi ng bansa ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may mga pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.
Samantala, magiging banayad hanggang sa katamtaman ang pag-alon sa mga baybaying-dagat sa buong kapuluan.
Sunrise: 5:40 am
Sunset: 6:23 pm