Manila, Philippines – Patuloy na binabantayan ang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
Huling namataan ng bagyo sa layong 600 kilometers hilagang silangan ng Basco, Batanes at kumikilos ito pa-silangan.
Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang maidudulot ng LPA sa Northern at Central Luzon.
Sa Visayas at Mindanao, magandang panahon ang asahan natin ngayong araw.
Sa Metro Manila, maaliwalas pa rin ang panahon na may tyansa ng pag-ulan sa hapon o gabi.
Walang nakataas na gale warning sa alinmang baybayin sa bansa kaya pwedeng pumalaot ang ating mga mangingisda.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 27 hanggang 32 degrees Celsius.
*Sunrise: 5:20 ng umaga*
*Sunset: 6:18 ng gabi*
* DZXL558*
Facebook Comments