Weather Update!

Manila, Philippines – Dalawang weather system ang nakakaapekto sa bansa.

Ang habagat na nakakaapekto sa dulong hilagang Luzon habang ang ridge ng High Pressure Area na nakakaapekto naman sa silangang bahagi ng Luzon at Visayas.

Dahil dito, halos buong bansa ay maganda na panahon pero may posibilidad ng paminsan-minsang pag-ulan.


Wala namang nakataas na gale warning sa anumang baybayin sa bansa.

Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 26 hanggang 32 degrees Celsius.

Sunrise: 5:41 ng umaga
Sunset: 6:22 ng gabi

Facebook Comments