Weather Update!

Manila, Philippines – Pagkakataon nang gumala ngayong araw! Ito’y dahil walang nakitang sama ng panahon sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) dahil sa ridge of High Pressure Area na nasa silangan ng bansa.

Sa kabila ng maaliwalas na panahon, asahan pa rin ang kalat-kalat na isolated thunderstorms sa bansa.

Asahan naman ang mainit na temperatura sa Tuguegarao na aabot sa 36 degrees Celsius.


Masarap namang may ka-holding hands sa Baguio na may temperaturang 25 degrees Celsius.

Sa Metro Manila ay maglalaro ang temperatura mula 26 hanggang 33 degrees Celsius.

Sunrise: 5:41 ng umaga
Sunset: 6:21 ng gabi

Facebook Comments