Weather Update!

Manila, Philippines – Maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at paminsan-minsan na malakas na pag-ulan, pagbugso ng hangin at pagkidlat ang mararanasan sa Mindanao, kanlurang kabisayaan at probinsya ng Palawan.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan maliban sa mga pulu-pulong mahina hanggang malakas na pag-ulan, pagbugso ng hangin at pag-kidlat ang iiral sa Kamaynilaan at sa nalalabing bahagi ng bansa.
Ang mga baybaying-dagat sa buong kapuluan ay magiging banayad hanggang sa katamtaman ang pag-alon.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 26 hanggang 32 degrees Celsius.
*Sunrise: 5:42 ng umaga*
*Sunset: 6:19 ng gabi*

Facebook Comments