Manila, Philippines – Unti-unti na ang pagganda ng panahon matapos lumabas sa bansa ang bagyong Jolina.
Pero magpapaulan pa rin sa kanlurang bahagi ng bansa ang habagat.
Asahan ang pag-ulan sa Luzon partikular sa CALABARZON at MIMAROPA region.
Sa Visayas, magkakaron ng mahihina hanggang sa katamtamang pag-ulan lalo na sa Samar at Leyte.
Mayroong isolated rain showers sa Mindanao lalo na sa CARAGA at Zamboanga Peninsula.
Sa Metro Manila, hindi pa ring maiiwasan ang isolated thunderstorms sa gabi.
Ang temperatura sa Metro Manila ay maglalaro mula 25 hanggang 32 degrees celsius.
*Sunrise: 5:43 ng umaga*
*Sunset: 6:11 ng gabi*
Facebook Comments