Manila, Philippines – Sa kabila ng paglabas ng bagyong Jolina, isang tropical depression ang binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Ang nasabing sama ng panahon ay nakita sa layong 2,590 kilometers silangan ng dulong hilagang Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 40 kph at pagbugsong 50 kph.
Bagamat wala pang epekto sa bansa, ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang nakakaapekto sa katimugang Luzon, buong Visayas at hilagang Mindanao.
Maaliwalas na panahon ang asahan sa natitirang bahagi ng Luzon kasama ang Metro Manila.
Walang nakataas na gale warning sa anumang baybayin kaya ligtas na makakapaglayag ang mga mangingisda.
Sunrise: 5:43 ng umaga
Sunset: 6:11 ng gabi
Facebook Comments