Manila, Philippines – Patuloy na binabantayan ang isang Low Pressure Area (LPA) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huling nakita ang LPA sa layong 1,000 kilometer, silangan ng Tuguegarao City.
Bagama’t wala pang direktang epekto ito ang extension nito o yung ‘trough’ ay siyang magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa.
Asahan ang pag-ulan sa Luzon lalo na sa Cagayan Valley, Aurora, Quezon, MIMAROPA at Bicol region.
Umiiral naman ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na magdadala ng pag-ulan sa halos buong Visayas.
Sa mindanao, magkakaroon ng mga mahihinang pag-ulan pero hindi rin tatagal.
Isolated thunderstorms pa rin ang asahan sa Metro Manila mamayang hapon o gabi.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 26 hanggang 32 degrees celsius.
Sunrise: 5:44 ng umaga
Sunset: 6:10 ng gabi