Manila, Philippines – Posibleng maging tropical depression ang binabantayang Low Pressure Area na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility.
Huli itong nakita sa layong 690 kilometers silangan ng Tuguegarao City.
Inaasahang tatama ito sa Northern Luzon mamayang hapon o gabi.
Kung sakaling maging bagyo ito tatawagin itong ‘Kiko’.
Sa ngayon ang ‘trough’ o extension ng LPA ang nagpapaulan sa Northern at Central Luzon.
May mahihinang pag-ulan sa Metro Manila, Bulacan, Zambales, Abra, Benguet, Ilocos Sur, Ifugao, Mountain Province, Nueva Viscaya, Tarlac, Isabela at Occ. Mindoro.
Sa VISAYAS, maganda ang panahon maliban na lamang sa mga isolated thunderstorms sa kanlurang bahagi.
Sa Mindanao, maulan sa Agusan del Sur at Davao del Sur at maatas din ang tyansa ng isolated thunderstorms.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 26 hanggang 31 degrees celsius.
*Sunrise: 5:44 ng umaga*
*Sunset: 6:09 ng gabi*