Weather Update!

Manila, Philippines – Patuloy na binabantayan ang isang Low Pressure Area na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Huli itong namataan sa layong 960 kilometers, silangan ng Baler Aurora at wala pang tyansa na maging isang ganap itong bagyo sa loob ng 24-oras.

Pero ang buntot o extension ng LPA ay makakaapekto sa silangang bahagi ng bansa.


Magkakarooon ng paminsan-minsang malalakas ng ulan sa Luzon lalo na sa Bicol at Quezon Province.

Maulap naman ang panahon sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng Luzon.

Maganda pa ang panahon sa buong Visayas pero asahan ang isolated thunderstorms.

Sa Mindanao naman ay maaliwalan naman ang panahon.

Walang nakataas na gale warning sa anumang baybayin sa bansa.

Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 25 hanggang 32 degrees celsius.

Sunrise: 5:44 ng umaga
Sunset: 6:06 ng gabi

Facebook Comments