Weather Update!

Manila, Philippines – Napanatili ng Tropical Depression Kiko ang kanyang lakas habang patungong Aparri, Cagayan.

Alas-diyes kagabi huling namataan ang bagyo sa layong 365 kilomtero ng silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 55 kilometer per hour at may pag bugsong 65 kph malapit sa gitna.


Kumikilos ito sa direksyong kanluran hilagang kanluran sa bilis na 17 kph.

Nakataas naman ang signal number 1 sa Cagayan, Ilocos Norte, Apayao, Batanes, at Babuyan Group of Island.

Dahil dito, inaasang makakaranas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang Nothern Luzon na posibleng magdulot ng pag-baha at pag-guho ng lupa.

Pinagbabawalan ring pumalaot lalo na ang mga may maliit na bangka sa eastern seaboard ng Nothern at Central Luzon.

Miyerkules ng gabi inaasahang nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.

*Sunrise: 5:44 am*
*Sunset: 6:05 pm*

Facebook Comments