Manila, Philippines – Asahan ang magandang panahon sa malaking bahagi ng bansa.
Ang extension o ridge ng High Pressure Area ang siyang nagdadala ng maaliwalas na panahon sa Luzon kasama ang Metro Manila na may posibilidad pa rin ng mga paminsan-minsang pag-ulan.
Magkakaroon din ng pag-ulan ang buong Visayas.
Intertropical Convergence Zone (ITCZ) naman ang nakakaapekto sa buong Mindanao lalo na sa CARAGA at Davao Region.
Agwat ng temperatura: 26 hanggang 33 degrees celsius
*Sunrise: 5:44 ng umaga*
*Sunset: 6:03 ng gabi*
Facebook Comments