WEATHER UPDATE | Bagong LPA, inaasahang papasok sa bansa bukas

Manila, Philippines – Patuloy na binabantayan ang isang Low Pressure Area (LPA) na malapit nang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Inaasahang bukas ito papasok ng PAR at maging ganap na bagyo sa linggo na tatawaging ‘Wilma’.

Kung sakaling sa Lunes maging bagyo ay tatawagin itong ‘Agaton’ na unang bagyo ng 2018.


Sa ngayon, hanging amihan ang nakakaapekto sa silangang bahagi ng Northern at Central Luzon.

Ang tail end of cold front naman ang nakakaapekto sa silangang bahagi ng southern Luzon at eastern Visayas.

Asahan ang pag-ulan sa Bicol region, Mimaropa at ilang bahagi ng probinsya ng Quezon.

Sa Visayas, may pag-ulan sa Panay Island, Samar at Leyte.

Sa Mindanao, magiging maulan sa Caraga at Davao Region.

Baguio – 16°c
Tagaytay – 21 °c
Metro Manila – 25 °c

Sunrise: 6:19 ng umaga
Sunset: 5:36 ng hapon

Facebook Comments