WEATHER UPDATE | Bagyo na nasa labas ng PAR, patuloy na binabantayan

Patuloy na binabantayan ang isang bagyo na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ang typhoon na may international name na Jebi ay namataan, 3,245 kilometers silangan ng northern Luzon.

Wala pa itong epekto sa bansa.


Sa ngayon hanging habagat ang nakakaapekto sa kanlurang bahagi ng Luzon.

Asahan ang maghapong ulan sa Batanes at Babuyan Group of Islands.

May mahihina at katamtamang ulan sa halos buong Kabisayaan at Mindanao.

Sa Metro Manila, maulap ang panahon at mababa ang tiyansa ng ulan.

Sunrise: 5:44 ng umaga
Sunset: 6:09 ng gabi

Facebook Comments