Binabantayan ang isang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huli itong namataan sa layong 150 kilometers, northeast ng Basco Batanes.
Inaasahang maging ganap itong bagyo o tropical depression.
Asahan ang kalat-kalat na mahihina hanggang sa katamtamang ulan sa Batanes, Babuyan Group of Islands, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao at Abra.
Maulap sa natitirang bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila.
Maganda ang panahon sa Visayas at Mindanao maliban na lamang sa mararanasang localized thunderstorms.
Samantala, isang bagyo ang binabantayan sa labas ng bansa at ito ay ang bagyong ‘Mangkhut’.
Ito ay nasa 3,075 kilometers silangan ng Southern Luzon taglay ang lakas ng hanging aabot sa 120 kph at pagbugsong nasa 145 kph.
Inaasahang papasok ito ng PAR sa Miyerkules, September 12 at habang nasa karagatan ay patuloy itong lalakas.
Wala pang direktang epekto ito sa bansa.
Sunrise: 5:44 ng umaga
Sunset: 6:01 ng gabi