Mamayang hapon na inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayang bagyo ng PAGASA sa silangan ng Mindanao.
Kapag pumasok sa bansa, papangalanan itong na bagyong “Samuel”.
Alas kwatro kaninang madaling araw, huling namataan ang bagyo sa layong 1,100 kilometers silangan ng Mindanao.
May lakas ito ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugsong 60 kph.
Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 25 kph.
Inaasahang tatama ang bagyo sa Visayas o hilagang Mindanao sa Martes at lalabas ng PAR sa Huwebes.
Sa ngayon, hanging amihan pa rin ang nagdadala ng mahihinang pag-ulan sa hilaga at gitnang Luzon habang localized thunderstorm ang mararanasan sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa.
Facebook Comments