Weather Update! bagyong “chedeng” namataan sa silangan ng Mindanao

Uulanin ang Caraga at Davao region dahil sa trough ng tropical depression na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Huli itong namataan sa layong 1, 175 kilometers silangan ng Mindanao.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugsong 60 kph.


Mamayang alas 8:00 hanggang alas 10:00 ng umaga inaasahang papasok sa PAR ang bagyo at papangalanang “chedeng”.

Posible itong humina at maging low pressure area na lang bago tumama sa lupa pero magdadala pa rin ito ng mga pag-ulan lalo sa Mindanao.

Samantala, hanging amihan naman ang nakakaapekto sa Batanes, Cagayan at Isabela.

Habang ang natitirang bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap ang kalangitan na sasamahan din ng isolated rainshower.

Facebook Comments