WEATHER UPDATE | Bagyong Domeng, bahagyang lumakas habang papalabas ng PAR

Bahagyang lumakas ang bagyong Domeng habang papalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Huling nakita ang tropical storm Domeng, 505 kilometer silangan ng Basco Batanes.

Ayon sa Weather Bureau, bahagyang lumakas ito na taglay ang lakas na umaabot sa 80 kph malapit sa gitna at 95 kph ang bugsong hangin.


Inaasahang kikilos ang bagyo north northeast sa bilis 70 kph.

Habang papalabas ng PAR, asahan na paiigtingin nito ang southwest monsoon o hanging habagat.

Magdadala naman ito ng isolated rainshower and thunderstorm sa malaking bahagi ng Metro Manila, Zambales, Bataan, MIMAROPA at Calabarzon kasama na ang western Visayas.

Magiging maulan din sa nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas.

Pagdating sa Mindanao asahan naman ang fair weather maliban nalang sa isolated rainshower sa dakong hapon o gabi dulot ng localized thunderstorm.

Nakataas naman ang gale warning sa eastern seaboard ng Luzon at Visayas kasama na ang western seaboard ng central at southern Luzon kaya at pinapayuhan ang mga kababayan nating mangingisda na may maliliit na sasakyan pandagat na huwag na munang pumalaot.

Facebook Comments