WEATHER UPDATE | Bagyong Ester, nakalabas na ng PAR

Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Ester.

Huling nakita ang bagyo sa layong 595 kilometers hilaga hilagang-silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito pa rin nito ang hanging may lakas na 60 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 75 kph.


Kumikilos ito sa direksyong silangan hilagang-silangan sa bilis na 38 kph.

Kahit nasa labas na ng PAR, patuloy na palalakasin ng bagyong Ester ang southwest monsoon o hanging habagat.

Magdadala ang habagat ng scattered rainshower at thunderstorm sa Ilocos Region, Cordillera, Batanes, Babuyan group of Islands, Zambales at Bataan.

Nakataas naman ang gale warning sa seaboards ng northern Luzon at western seaboard ng Central Luzon kaya pinapayuhan ang mga kababayan nating mangingisda na may malilit na sasakyang pandagat na huwag munang maglayag dahil sa malalaking alon.

Facebook Comments