WEATHER UPDATE | Bagyong Ester, patuloy na pinapalakas ng habagat

Nakataas ngayon ang yellow warning sa mga lalawigan ng Zambales at Bataan.

Dahil dito, asahan na ang malalakas na pag-ulan na posibleng magpabaha sa mga mabababang lugar.

Ang pag-uulan ay epekto ng habagat at pinapalakas nito ang tropical depression Ester.


Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 275 kilometers north northwest ng Basco Batanes.

Taglay ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 90 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 13 kilometers bawat oras sa direksyong northeast.

Mamayang gabi ay inaasahang makalalabas na ng bansa.

Apat na Domestic Flights naman ang kinansela ng Cebgo at Skyjet papuntang Basco pabalik ng Manila at vice versa dahil sa masamang panahon.

Facebook Comments