Palabas na ng bansa ang tropical storm Florita na kumikilos sa hilagang-kanluran na may bilis na walong kilometro.
Huling namataan ang bagyo sa layong 775 kilometers sa silangan ng Basco, Batanes kung saan taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometer per hour at pagbugsong aabot sa 90 kilometro kada oras.
Kung hindi magbabago ang bilis at tatahaking direksyon ng bagyong Florita ay inaasahang lalabas na ito ng bansa sa araw ng Linggo.
Bagaman hindi tatama sa kalupaan ng bansa, sinabi ng PAGASA na pag-iibayuhin nito ang habagat na magdadala ng mga pag-ulan sa extreme northern Luzon.
Sunrise: 5:30am
Sunset: 6:29pm
Facebook Comments