Manila, Philippines – Nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang severe tropical storm Florita.
Huling namataan ang bagyo sa layong 725 kilometers hilagang silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 90 kilometers per hour at pagbugsong nasa 115 kph.
Kumikilos pahilaga ang bagyo sa bilis na 17 kph.
Pinalalakas nito ang hanging habagat kasabay nito asahan ang kalat-kalat na pag-ulan at thundestorms sa Palawan, Mindoro, Romblon at Western Visayas.
Sa natitirang bahagi ng bansa kasama na ang Metro Manila, maulap at asahan din ang thunderstorms sa hapon o gabi.
Sunrise: 5:29 ng umaga
Sunset: 6:28 ng gabi
Facebook Comments