WEATHER UPDATE | Bagyong Florita, napanatili ang lakas habang papalabas ng bansa

Manila, Philippines – Napanatili ni Bagyong Florita ang lakas nito habang papalabas ng bansa.

Huling namataan ang bagyo sa layong 700 kilometro Silangan – hilagang Silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers per hour at pagbugsong nasa 105 kilometers per hour


Kumikilos ang bagyo sa bilis na 22 KPH sa direksyong Hilaga-Hilagang Kanluran.

Pinalalakas ng bagyo ang hanging habagat na magdadala ng pag-ulan sa Luzon.

Ang natitirang bahagi ng bansa ay asahan ang mga localized thunderstorms sa dakong hapon o gabi.

Facebook Comments