WEATHER UPDATE | Bagyong Gardo, nakalabas na ng PAR

Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Gardo.

Huli itong namataan sa layong 580 kilometers, hilaga – hilagang silangan ng Basco, Batanes.

Mayroon itong lakas ng hanging aabot sa 170 kilometers per hour at pagbugsong nasa 219 kilometers per hour.


Napanatili nito ang bilis na nasa 30 kilometers per hour at kumikilos sa direksyong kanluran – hilagang kanluran.

Pero asahan pa rin ang maghapong ulan sa Zambales, Bataan, Cavite, Palawan at Mindoro habang may panaka-nakang ulan sa Metro Manila, Calabarzon, Bicol Region, Western Visayas, Marinduque, Romblon at natitirang bahagi ng Central Luzon.

Ang mga pag-ulan ay dulot ng hanging habagat na pinalalakas ng bagyo.

Delikado pa ring maglayag sa hilaga at silangang baybayin ng hilagang luzon at kanlurang baybayin ng katimugang Luzon.

Sunrise: 5:32 ng umaga
Sunset: 6:28 ng gabi

Facebook Comments