Nag-landfall na sa Fuga, Appari, Cagayan ang tropical depression Henry.
May lakas ito ng hanging aabot sa 60 kilometers per hour at pagbugsong nasa 75 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers per hour pa-kanluran.
Nakataas ang tropical cyclone warning signal number 1:
– Batanes
– Hilagang bahagi ng Cagayan kabilang ang Babuyan Group of Islands
– Hilagang bahagi ng Apayao
– Hilagang bahagi ng Ilocos Norte
Asahan sa mga nabanggit na lugar ang pag-ulan na may paghampas ng hangin.
Pinalalakas din ng bagyong Henry ang hanging habagat na magdadala ng pag-ulan sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro, Palawan at Western Visayas.
May kalat-kalat na pag-ulan naman na may thunderstorms sa nalalabing bahagi ng bansa.
Inaasahang lalabas din sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong araw ang bagyo.