Halos walang pagkilos ang tropical storm Inday.
Huli itong namataan sa layong 840 kilometers silangan ng Basco, Batanes.
Bahagyang lumakas ang hangin nito na aabot sa 65 kilometers per hour at pagbugsong nasa 80 kilometers per hour.
Patuloy na hihilain ng bagyong Inday ang hanging habagat na magdadala ng malalakas na pag-ulan sa Batanes at Babuyan Group of Islands, Ilocos Region, Cordillera, Zambales at Bataan.
Ang Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ay may paminsan-minsang pag-ulan.
Maaliwalas ang panahon sa Visayas at Mindanao maliban sa isolated thunderstorms.
Posibleng lumabas ng bansa ang bagyo sa Sabado ng hapon.
Facebook Comments