WEATHER UPDATE | Bagyong Inday, lumakas at naging tropical storm na

Lumakas at naging tropical storm na ang Bagyong Inday.

Huling namataan ang bagyo sa layong 825 kilometers silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 60 kilometro kada oras at pagbugsong nasa 80 kilometro kada oras.


Kumikilos sa bilis na 15 kph sa direksyong hilagang-silangan.

Bagamat walang direktang epekto, hinahatak nito ang hanging habagat na magdadala ng malalakas na pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera, Zambales, Bataan, Pampanga at Bulacan.

May kalat-kalat na mahihina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman sa Metro Manila, Cavite, Batangas, Laguna at natitirang bahagi ng Gitnang Luzon hanggang bukas.

Delikado pa ring maglayag sa western seaboard ng Central at Southern Luzon.

Facebook Comments