WEATHER UPDATE | Bagyong Inday, nag-iipon ng lakas habang tumatawid pahilaga sa Philippine Sea

Nakapag-ipon pa ng lakas ang bagyong Inday.

Huling nakita ang bagyo sa layong 1,055 kilometers silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 80 kilometers per hour at pagbugsong nasa 95 kilometers per hour.


Kumikilos hilaga – hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Patuloy pa ring hinihila ng bagyo ang hanging habagat na magdadala ng katam-taman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera, Zambales at Bataan.

May kalat-kalat na pag-ulan naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon.

Mananatili ang mga nararanasang pag-ulan hanggang bukas.

Mapanganib pa ring maglayag sa eastern seaboard ng Northern Luzon at seaboards ng Central Luzon.

Facebook Comments