WEATHER UPDATE | Bagyong Inday, patuloy na pinalalakas ang hanging habagat

Patuloy ang paghigop ng lakas ng tropical storm Inday habang papalabas ng bansa.

Ito ay namataan sa layong 995 kilometers, silangan – hilagang silangan ng Basco, Batanes.

May lakas na hanging nasa 85 kilometro kada oras at pagbugsong 105 kilometro bawat oras.


Kumikilos northwest sa bilis na 15 kph.

Ang pag-uulang nararanasan ngayon sa Metro Manila, Batanes at Babuyan Group of Islands, Ilocos Region, Cordillera, Central Luzon, ay bunsod ng hanging habagat na pinalalakas ng bagyo.

Facebook Comments