WEATHER UPDATE | Bagyong Josie, napanatili ang lakas habang papatawid ng Luzon strait

Manila, Philippines – Napanatili ni tropical depression Josie ang lakas nito habang tumatawid ng Luzon strait.

Huling namataan ang bagyo sa layong 140 kilometers hilaga – hilagang silangan ng Calayan, Cagayan.

Taglay ang lakas ng hanging nasa 60 kilometers per hour at pagbugsong na sa 80 kilometers per hour.


Kumikilos sa bilis na 35 kph sa direksyong hilagang silangan.

Pinalalakas nito ang hanging habagat.

Nakataas ang tropical cyclone warning signal number 1:
· Batanes
· Northern Cagayan (kabilang ang Babuyan group of islands)
· Ilocos Norte
· Hilagang bahagi ng Ilocos sur
· Apayao
· Hilagang bahagi ng Abra

Asahan ang malalakas na ulan na may hampas ng hangin sa batanes at babuyan group of islands dahil sa bagyong Josie.

Habagat naman ang nagpapa-ulan sa Ilocos Region, Cordillera, natitirang bahagi ng Cagayan Valley, Central Luzon at Metro Manila.

Paminsan-minsang ulan ang asahan sa kabisayaan habang maaliwalas ang panahon sa Mindanao.

Delikadong maglayag sa baybayin ng Northern Luzon at Western seaboard ng Central Luzon lalo na sa mga lugar na nasa signal number 1.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo bukas ng hapon.

Facebook Comments