Napanatili ng tropical depression Karding ang lakas nito at halos hindi gumalaw sa Philippine Sea.
Huli itong namataan sa layong 1,160 kilometers silangan ng Tuguegarao, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hanging nasa 55 kilometers per hour at pagbugsong nasa 65 kilometers per hour.
Ang bagyo at isang Low Pressure Area (LPA) na nasa West Philippines Sea ay pinalalakas nag hanging habagat na magdadala ng kalat-kalat na katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Northern at Central Luzon simula sa Biyernes, August 10.
Hindi ito inaasahang tatama sa anumaang kalupaan ng bansa.
Sunrise: 5:41 ng umaga
Sunset: 6:22 ng gabi
Facebook Comments