Bumagal ang tropical depression Luis matapos mag-landfall sa Southern Taiwan.
Huling namataan ang bagyo sa layong 385 kilometers hilaga – hilagang kanluran ng Basco, Batanes.
Taglay ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong nasa 90 kilometers per hour.
Kumikilos pa-kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras.
Bagaman at walang direktang epekto ang bagyo sa anumang bahagi ng bansa, hinahatak nito ang southwest monsoon o habagat.
Kalat-kalat na katamtaman hanggang sa malalakas na ulang ang asahan sa Ilocos Region, Cordillera, Batanes at Babuyan Group of Islands.
Bukod dito, binabantayan ang isa pang Low Pressure Area (LPA) na nasa 1,000 kilometro silangan ng Appari, Cagayan at posibleng maging bagyo sa loob ng 24 at 48 oras.