Tuluyan nang nakalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Luis.
Huli itong namataan sa layong 555 km north-north west ng Basco Batanes, na may lakas ng hangin na 45kph malapit sa sentro at pagbugso na may 70 kph.
Kumikilos ang bagyong Luis sa hilaga-hilagang silangan sa bilis na 8 kilometers per hour.
Kahit pa nasa labas ng PAR ay pinalalakas nito ang habagat kaya at magiging maulan sa Batanes, Babuyan, Ilocos Region at Cordillera Administrative Region.
Bukod dito may namumuo ding bagong Low Pressure Area (LPA) at namataan ito 955 kilometers silangan-hilagang silangan ng Basco, Batanes.
May tiyansa itong maging bagyo ngayong weekend kung saan patuloy itong binabantayan ng PAGASA.
Facebook Comments