Makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog ang Metro Manila, Central at Western Visayas, Bataan, Batangas, Cavite, Mindoro at Palawan dahil sa hanging habagat.
Habang magiging maganda naman ang panahon sa nalalabing panig ng bansa maliban lamang sa maulan kapag hapon dahil sa localized thunderstorm.
Patuloy naman binabantayan ang bagyong Maria na namataan sa layong 2,005 kilometers east ng Central Luzon kung saan mayroon itong lakas ng hangin na 185 km/h malapit sa sentro nito at pagbugso na 225 km/h.
Kumikilos ang bagyong Maria sa northwest na may bilis na 10 km/h pero hindi ito inaasahan na magla-landfall sa anumang bahagi ng bansa subalit palalakasin nito ang hanging habagat kaya at magiging maulan sa western section ng Visayas.
Sunrise: 5:32am
Sunset: 6:29pm