Ikinukunsidera nang supertyphoon ng ibang bansa ang bagyong may international name na ‘Yutu’.
Huli itong namataan sa layong 2,535 kilometers silangan ng Central Luzon.
Malakas ang dala nitong hangin na nasa 210 kilometers per hour at pagbugsong nasa 260 kph.
Kumikilos hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.
Sabi ni DOST-PAGASA weather specialist Gener Quitlong – wala pa itong direktang epekto sa bansa.
Papasok ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Sabado, October 27 at papangalanang ‘Rosita’.
Ang direksyong tinatahak nito ay posibleng mahalintulad sa bagyong Ompong.
Sa ngayon, asahan ang thunderstorms sa halos buong Mindanao dulot ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Facebook Comments