WEATHER UPDATE | Bagyong Neneng, nakalabas na pero typhoon Mangkhut, pinaghahandaan na ang pagpasok nito

Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang tropical depression Neneng.

Huli itong namataan sa layong 275 kilometers kanluran ng Basco Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging nasa 60kph at pagbugsong nasa 70kph.


Ayon kay DOST PAGASA Weather Specialist Chris Perez, kahit nakalabas na, magpapaulan pa rin ito sa ilang bahagi ng Luzon.

Papalapit naman sa bansa ang typhoon Mangkhut na nasa 1,965 kilometers silangan ng katimugang Luzon.

Mayroon itong lakas ng hanging nasa 165 kph at pagbugsong nasa 195 kph.

Kumikilos ito sa bilis na 30 kph.

Inaasahang papasok ito ng bansa bukas.

Tatawid ito ng Cagayan-Batanes area pagdating ng Sabado.

Dahil dito, pinaghahanda sa malalakas na ulan at hangin ang mga probinsya ng Cagayan, Isabela, Apayao, Kalinga, Abra, Ilocos Norte at Batanes.

Facebook Comments