Bahagyang humina ang bagyong Ompong matapos mag-land fall sa Baggao, Cagayan ala-1:40, madaling araw ng Sabado.
Taglay ng bagyo ang hanging aabot sa 200 kilometro kada oras at may pagbugso itong aabot sa 300 km kada oras.
Patuloy itong gumagalaw sa direksyong kanluran hilagang kanluran sa bilis na 35 km bawat oras.
Nakataas pa rin ang tropical cyclone warning signal number 4 sa mga probinsya ng Ilocos Norte, Cagayan, Northern Isabela, Apayao, Abra, Kalinga at Babuyan Group of Islands.
Signal number 3 sa Batanes, Southern Isabela, Ilocos Sur, La Union, Mountain Province, Benguet, Ifugao, Nueva Vizcaya, Quirino at Northern Aurora.
Signal number 2 sa Pangasinan, Tarlac, Nueva Ecija, Southern Aurora, Zambales, Pampanga, Bulacan at Northern Quezon kabilang ang Polillo Island.
Tropical cyclone warning signal number 1 naman sa Metro Manila, Bataan, Rizal, Cavite, Batangas, Laguna, nalalabing bahagi ng Quezon, Lubang Island, Marinduque at Camarines Norte.
Pinalakas rin ng bagyo ang hanging habagat na magdadala ng maulang panahon sa Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at nalalabing bahagi ng MIMAROPA at Bicol Region, maging sa Eastern at Central Visayas.